Tutol ang lokal na pamahalaan ng lungsod ng Maynila na gawing alternative dumpsite ng Quezon City ang Vitas dumpsite sa Tondo.
Ito ay matapos ipasara ng Department of Environment and Natural Resources at Metro Manila Development Authority ang Payatas Landfill.
Dahil dito ay nahaharap ngayon sa problema ng basura ang lungsod ng Quezon.
Ayon kay Manila Mayor Joseph Estrada, hindi pa sila nakakapag-usap ni QC Mayor Herbert Bautista ukol sa nasabing issue.
Dagdag pa niya, hindi siya payag na gawing tapunan ng basura ng ibang lungsod ang Maynila.
Ani ni Estrada, kailangan pang dumaan sa konseho kung maaring gamitin ng Quezon City ang Vitas Dumpsite.
Isa ang Vitas Dumpsite sa mga inirekomenda ng MMDA bukod sa San Mateo at Rodriguez Rizal at Navotas-Tanza Sanitary Landfill na maging alternatibong tapunan ng basura ng Quezon City.