Ipinag-utos ng Sandiganbayan 3rd Division ang pagdinig sa kaso nina dating Vice Prresident Jejomar Binay at dating Makati City Mayor Jejomar Erwin Binay kaugnay sa maanomalyang paggawa ng Makati City Hall parking building.
Base sa resolusyon ng anti-graft court sinabi nito na mayroong probable cause para dinggin ang kaso ng mag-amang binay at 19 na iba pang mga dating opisyal ng Makati City Hall.
Iniutos din ng korte ang pagpapalabas ng warrant of arrest laban sa mga ito.
Itinakda naman ng korte ang pagbasa ng sakdal sa mga ito sa September 29 ganap na alas otso y medya ng umaga.
Ang mag-amang Binay at mga kapwa nitong akusado ay nahaharap sa kasong paglabag sa Anti Graft and Corrupt Practices Act, Falsification of Public Documents at Malversation of Publc Funds kaugnay sa P2.2 Billion anomalya sa Makati Parking Building.