Tinupok ng apoy ang ilang bahay sa San Andres Bukid, Sta. Ana, Maynila nang sumiklab ang sunog Martes ng umaga
Mabilis na kumalat ang apoy dahil pawang gawa sa light materials ang mga bahay sa bahagi ng Sagrada Familia St., Brgy 770.
Maging ang katabing Holy Family Condominium ay naapektuhan ng sunog.
Nakatira sa nasabing condominium building ang singer-comedian na si Jograd De La Torre na bagaman hindi nadamay ang kanilang unit ay minabuti umano nilang isalba ang ilang mahahalagang gamit tulad ng mga dokumento.
Narito ang ulat nI Ricky Brozas:
READ NEXT
Para hindi na maulit ang kaso nina Kian De Los Santos at Carl Arnaiz, training sa mga pulis gustong ibalik ng PNP
MOST READ
LATEST STORIES