Bagyong Kiko, napanatili ang lakas; ilang lalawigan nakasailalim sa signal number 1

Napanatili ng tropical depression Kiko ang lakas nito habang patuloy na kumikilos sa extreme northern Luzon.

Huling namataan ang bagyo sa 345 kilometers East ng Casiguran, Aurora.

Taglay nito ang lakas ng hangin na aabot sa 55 kilometers bawat oras at pagbugsong aabot sa 65 kilometers bawat oras.

Kumikilos ang bagyo sa bilis na 15 kilometers bawat oras sa direksyong West Northwest.

Nakataas ang public storm warning signal number 1 sa Cagayan, Ilocos Norte, Apayao, Batanes at
Babuyan Group of Island.

Ayon sa PAGASA, maliit na ang tsansa na tumama sa kalupaan ang bagyo dahil pataas ang direksyon nito.

Sa Miyerkules ng gabi, inaasahang lalabas na ito ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...