UN Security Council, muling nagpulong kaugnay ng H-bomb test ng NoKor

 

Muling nagpatawag ng emergency meeting ang United Nations (UN) Security Council matapos ang malakas na nuclear test na isinagawa ng North Korea kamakailan lang.

Gumawa at sinubukan ng North Korea ang isang hydrogen bomb sa ilalim ng lupa noong Linggo.

Wala pang isang linggo ang nakalilipas mula nang huling maglabas ng pahayag ang konseho na kumukundena sa anila’y “outrageous” na paglulunsad ng ballistic missile sa Japan.

Noong nakaraang buwan naman, pinatawan na ng Security Council ang Pyongyang ng pinakamatindi nilang sanction dahil sa hindi pagtigil nito sa paggawa at paggamit ng missiles.

Sa pinakahuling pahayag ng konseho, sinabi nilang sinasadya ng North Korea na sirain ang regional peace and stabilitiy nang sitahin nito ang missile test na nasabing bansa.

Muli namang inulit ng United Nations ang kanilang panawagan sa North Korean na itigil na ang mga isinasagawa nilang ballistice missile at nuclear weapons programs.

Ang mga humiling na magkaroon muli ng meeting na ikalawa na para sa linggong ito ay ang United States, Japan, France, Britain at South Korea.

Umaasa kasi ang mga nasabing bansa na mas mapaigting pa ang pagkondena at pag-uusap tungkol sa ginagawang ito ng Pyongyang.

Read more...