Naghain ng kasong murder, violation of domicile, planting of evidence at paglabag sa Juvenile Justice and Welfare Act ang IBP laban sa nagsagawa ng operasyon na sina PO3 Arnel Oares, PO1 Jeremiah Pereda, PO1 Jerwin Cruz kasama sina dating Police Community Precinct 7 head Chief Inspector Amor Cerillo at isang Nono Lubiran sa siyang sinasabing nagturo kay Kian na isa itong pusher.
Bukod dito ay nahaharap din ang mga ito sa mga kasong administratibo, grave misconduct at gross neglect of duty kung saan damay sina dating Northern Police District head Chief Superintendent Roberto Fajardo, dating Caloocan City Police chief Senior Superintendent Chito Bersaluna na nasibak dahil sa nasabing insidente.
Ito ang kauna-unahang kaso na isinampa sa Ombudsman kaugnay ng kaso ni Kian kasabay ng fact finding mission ng ahensya.
Tumatayong complainant sa kaso si IBP Pres. Abdiel Dan Fajardo na siyang nagsisilbing legal cousel ng tatlong saksi sa naturang insidente.