CBCP nagbabala sa pagkalat ng ‘satanic rosary’

 

Mula sa cbcp.net

Binabalaan ng Catholic Bishops Conference of the Philippines (CBCP) ang publiko sa pagkalat sa bansa ng mga ‘Satanic Rosaries’ o rosaryo na ginawa at may basbas umano ng mga Satanista.

Ayon sa CBCP, ang mga naturang rosaryo ay maaring may dalang sumpa at magdulot ng kapahamakan sa isang tao.

Maari rin itong mang-engganyo ng mga masasamang espiritu ang sinumang makakakuha nito.

Sa unang tingin, makikitang walang pagkakaiba ang ‘Satanic rosary’ sa isang regular na rosaryo.

Ngunit, paliwanag ni Novaliches Office of Exorcism (Libera Nox) assistant case officer Philippe De Guzman, kung hindi susuriin mabuti ang naturang mga rosaryo, hindi ito matutukoy bilang isang ‘Satanic Rosary’ na gawa ng grupo umano ng mga ‘Illuminati’ na sumasamba kay Satanas.

Maaari aniyang matukoy kung ‘Satanic Rosary’ ang isang rosaryo kung may makikitang araw na may sinag sa may ulo ng nakapakong Hesukristo at ahas sa likurang bahagi ng imahe ni Hesus.

Bilang patunay, may nakumpiska na sila aniyang rosary sa ilang kaso ng ‘exorcism’ na may mga marka ng ‘Illuminati’.

Gayunman, may ilan aniyang walang makikitang indikasyon na ito ay gawa ng mga satanista.

Payo ng CBCP, ipa-dasal sa mga lehitimong pari ang matatanggap na rosaryo upang makatiyak na hindi ito ‘satanic rosary’.

Read more...