Gordon: Mayorya ng mga Senador suportado ang ethics complaint labay kay Trillanes

Inquirer file photo

Kinumpirma ni Sen. Richard Gordon na mayroong higit 14 na senador ang sumusuporta sa kanyang ihahaing ethics complaint laban kay Sen. Antonio Trillanes.

Ito ay may kaugnayan sa pagtawag ni Trillanes na nagiging komite-de-abswelto na ang Senate Blue Ribbon Committee na pinangungunahan ni Gordon na nag-iimbestiga sa P6.4 Billion na halaga ng shabu na nakalusot sa Bureau of Customs.

Inakusahan din ni Trillanes na nag-aabogado sina Sen. Tito Sotto at Gordon kay presidential son at Davao City Vice Mayor Paolo Duterte na iniuugnay sa umano’y Davao group na nag-ooperate sa BOC.

Ginawa ni Gordon ang pahayag matapos na magsagawa ng lampas sa apat na oras na caucus ang mayorya sa Senado kung saan tinalakay ang mga priority measures kung saan ay kabilang sa pinag-usapan ang ihahaing reklamo ni Gordon laban kay Trillanes.

Dependa sa magiging desisyon ng komite at ng kabuuan ng Senado, si Trillanes ay pwede mapagsabihan, masuspinde o kaya ay mapatalsik bilang miyembro ng Senado.

Read more...