Daan-daan, inilikas sa ‘largest wildfire’ sa kasaysayan ng Los Angeles

AP Photo

Maituturing na pinakamalaking wild fire sa kasaysayan ng Los Angeles ang nagaganap ngayon sa La Tuna.

Umabot na sa mahigit 2,000 ektarya ang natupok ng apoy dahilan para ilikas ang daan-daang residente mula sa La Tuna at sa kalapit na Burbank at Glendale at isara ang major highway sa lugar.

Maliban sa tatlong bahay na natupok sa wild fire walang iba pang naitatalang ari-arian na nadamay sa sunog ayon kay Los Angeles Mayor Eric Garcetti.

Nananatiling malakas ang apoy at aabot sa 500 mga bumbero ang nagtutulong-tulong para maapula ito.

Sinabi ng mga otoridad na maaring lumawak pa ang lugar na sasakupin ng evacuation zone dahil sa malakas na hangin na nagiging dahilan para kumalat ang usok.

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...