LPA sa loob ng bansa, posibleng maging bagyo sa susunod na 1 hanggang 2 araw

Isang Low Pressure Area (LPA) ang binabantayan ng PAGASA sa loob ng Philippine Area of Responsibility (PAR).

Ayon sa PAGASA, ang LPA ay huling namataan sa 960 kilometers East ng Baler Aurora.

Ang extension ng nasabing LPA ay naka-aapekto na sa Silangang bahagi ng Luzon.

Maari umano itong maging isang ganap na bagyo sa susunod na 24 hanggang 48-oras.

Sa sandaling maging bagyo sa loob ng bansa, papangalanan itong Kiko.

Ngayong araw sinabi ng PAGASA na ang Bicol Region, mga lalawigan ng Cagayan, Aurora at Quezon ay makararanas ng maulap na papawirin na mayroong mahina hanggang sa katamtamang pag-ulan.

Sa nalalabing bahagi naman ng Luzon at sa Metro Manila ay magiging maaliwalas ang panahon.

 

 

 

 

Read more...