Hinihinalang Abu Sayyaf leader at 7 iba pa, inaresto ng Malaysian Police

Nadakip ng Malaysian Police ang hinihinalang lider ng Abu Sayyaf kasama ang pitong iba pa sa isinagawang raid sa Kuala Lumpur.

Kinilala ang suspek na “Abu Asrie”, may tunay na pangalang Hajar Abdul Mubin ayon sa isang source na hindi pinayagang magsalita sa harap ng media ukol sa kaso.

Si Hajar ay isang Pilipino na inaresto kasama ang isa pang Pilipino at anim na Malaysians na nagmula sa Sabah, Borneo.

Ang ginawang operasyon ay ang pinakabago sa serye ng pagdakip sa mga hinihinalang militanteng konektado at sumusuporta sa Islamic State.

Hindi bababa sa 250 katao na ang naaaresto ng pulisya sa Malaysia mula 2013 hanggang 2016 sa mas pinaigting na operasyon laban sa mga ito.

Ang Abu Sayyaf ay notoryus na grupo na kilala sa pambobomba, kidnap for ransom, pamumugot ng ulo at extortion partikular sa Mindanao.

Nangangamba ang mga pamahalaan sa South East Asia sa posibleng paghahasik ng gulo ng mga militante matapos maparalisa ang mga operasyon ng mga ito sa Middle East.

Read more...