Ngayong araw na sisimulan ng Kamara ang planary debates para sa panukalang P3.767 trillion na 2018 national budget.
Ayon kay Davao City Rep. Karlo Alexei Nograles, balak nila itong ratsadahin upang matapos agad sa Biyernes, September 8.
Magsisimula ang debate sa sponsorship speech ni Nograles, bilang pinuno ng House Committee on Appropriations.
Target nilang maisabatas at mapapirmahan ito kay Pangulong Rodrigo Duterte pagdating o bago pa ang November 15.
Natapos na nila nitong buwan ng Agosto ang deliberasyon kasama ang iba’t ibang ahensyang paglalaanan ng pondo sa committee level, at natapos rin nila ang mga pakikipagpulong muli ng mga mambabatas sa mga ahensya.
Nakalinya sa mga dedepensahan sa debate ngayong araw ang mga panukalang pondo para sa Department of Budget and Management, Department of Finance, National Economic and Development Authority, Department of Tourism, at Department of Labor and Employment.