Ito ay dahil sa pagkasira ng undersea cable systems ng mga ISP na nakakonekta sa HongKong dahil sa katatapos lamang na pagbayo ng bagyo.
Apektado ng pinsala na ito ang iba’t ibang bansa sa South East Asia kabilang ang Pilipinas.
Sa pahayag na ipinost ng giant telco na ‘PLDT’ sa kanilang official page, sinabi nitong isa ang kumpanya sa mga ISP sa bansa na apektado ng pagkasira ng undersea cable links.
Dahil dito, asahan daw ang mas mabagal na speed ng internet connection na maaaring tumagal pa ng tatlong linggo habang sinasagawa ang repairs.
Samantala, sa statement naman ng Converge ICT Solutions na ipinost din sa Facebook, sinabi ng kumpanya na 3 sa kanilang international submarine cables ang apektado ng insidente.
Masaya namang ibinahagi ng Globe Telecom sa bukod na statement na hindi apektado ang telco sa pagkasira ng submarine cables.
Nangako naman ang mga ISP na habang nagsasagawa ng repair works ay gagawa ng mga aksyon para bigyan ng mas magandang internet service ang kanilang customers.