Ito ay matapos magpahayag ang pamilya Marcos ng kanilang kahandaan na ibalik ang ilang gold bar ng kanilang pamilya.
Ani Rocamora na miyembro ng PDP-Laban, kailangang samantalahin na ng PCGG ang pagkakataon na mabawi ang sinasabing ill-gotten wealth ng pamilya Marcos.
Aniya, mayroong mandato ang PCGG na kailangan nitong gampanan. Matatapos lamang ang misyon ng naturang kagawaran kung maibabalik na sa pamahalaan ang lahat ng mga ninakaw na yaman ng mga Marcos.
Sa huling datos ng PCGG noong 2016, nasa 170 bilyong pisong halaga ng ill-gotten wealth na ang nabawi ng naturang ahensya ng pamahalaan mula sa mga Swiss bank account, stocks shares, real estate, maging mga paintings at alahas mula sa pamilya Marcos at kanilang mga ‘cronies.’