Vicki Belo at Hayden Kho muling ikinasal sa Paris

Naganap na ang tinagurian ng ilan bilang “Wedding of the Year.”

Halos dalawang buwan matapos ang kanilang civil wedding, idinaos na ang “Church Wedding” nina Vicki Belo at Hayden Kho sa isang American Church sa Paris.

Dinaluhan ito ng mahigit 250 guests kabilang ang kani-kanilang mga pamilya at malalaking pangalan sa showbiz industry.

Ipinagbawal ng couple ang paggamit ng smartphones para mapanatiling pribado ang seremonya.

Samantala, inupload naman ang isang picture ng mag-asawa sa official Instagram page ng Belo Medical Group.

Mistulang reyna si Belo sa couture blush wedding gown na idinisenyo ni Michael Cinco.

Kabilang sa mga dumalo sa kasal ay ang mag-asawang sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid kung saan si Nate ang napiling maging ring bearer ng mag-asawa.

Present din sina Marian Rivera, Dingdong Dantes, Lucy Torres at Richard Gomez, Piolo Pascual, batikang journalist na si Korina Sanchez, Jinkee Pacquiao at iba pa.

Read more...