Nananatiling pending sa House Transportation Committee ng KAMARA ang panukalang batas simula pa July 31.
Ayon kay Dy, papalapit na ang holiday air travel season kung saan mas marami ang nagiging ang kanselasyon at pagkaantala ng mga flights lalo na kapag mas malaki ang volume ng mga pasahero.
Layon ng panukalang batas na bigyan ng karapatan ang mga pasahero na mabigyan ng reimbursement kung sakaling makansela ang flights.
Mababayaran din ang mga pasahero sakaling masira ang kanilang mga bagahe, o hindi kaya ay mawala o madelay.
Sisiguruhin din ng batas ang karapatan ang mga air passenger na mabigyan ng karampatang impormasyon bago ang flight purchase at makatanggap ng kabuuang halaga ng serbisyong binayaran.
Nais ni Dy na maipasa sa huli at ikatlong pagbasa ang panukalang batas bago magtapos ang buwan ng Nobyembre.