Apat na sundalo, patay sa pakikipagbakbakan sa mga NPA sa Nueva Vizcaya

Patay ang apat na mga sundalo matapos makipagbakbakan sa mga miyembro ng New People’s Army sa bayan ng Kasibu sa probinsya ng Nueva Vizcaya.

Kinilala ang mga nasawi na sina Staff Sergeant Dexter John Tagacay, Corporal Jayson Sabado, Corporal Rusty Galan, at Private First Class Abraham Lindo.

Sugatan naman si Corporal Gerby Soriano na natamaan ng bala sa kanyang batok. Agad na isinugod si Soriano sa isang osptal sa Barangay Pudi, ngunit kinailangan itong ilipat sa ibang ospital.

Base sa imbestigasyon, nagsasagawa ng clearing operation ang mga naturang sundalo nang atakihin at pagbabarilin sila ng mga rebeldeng NPA.

Ayon sa hepe ng Nueva Vizcaya Police na si Police Senior Superintendent Leumar Abugan, mahigpit ngayon ang seguridad sa naturang probinsya kasunod ng pagtugis ng mga otoridad sa mga makakliwang grupo.

Read more...