Napatay na no. 1 drug lord sa Western Visayas, hindi binalak na sumuko

Walang balak na sumuko ang napatay na number 1 drug lord sa Western Visayas, ayon kay Philippine National Police Chief Ronald Dela Rosa.

Aniya, sa limang hinihinalang big-time drug lords sa rehiyon na nasa narco-list ni Pangulong Rodrigo Duterte, tanging si Richard Prevendido lamang ang hindi sumipot sa Camp Crame at patuloy na nagtago.

Pinaniniwalaang si Prevendido ang umano’y pinuno ng Prevendido Group, ang isa sa pangunahing grupo ng iligal na droga sa Ilolilo.

Isinisilbi ng pulisya ang arrest warrant dahil sa kasong paglabag sa Compehensive Dangerous Drugs Act of 2002 nang mauwi ito sa shooutout pinagtataguan ng suspek sa Jaro, Iloilo.

Narekober sa Prevendido group ang mga armas, kabilang ang isang AK45 assuault rifle at mga hinihinalang shabu

Read more...