Sinabi ni Armed Forces of the Philippines spokesman Brig. General Restituto Padilla na ito ay dahil desperado na ang teroristang grupo.
Sa kanila nito, tiniyak ni Padilla na susubukan pa rin ng militar na maisalba ang mga batang recruit at mga bihag ng Maute group.
Gayunman, aniya, kung babarilin ng mga batang myembro ng teroristang grupo ang mga sundalo, mapipilitan ang mga ito na lumaban at depensahan ang kanilang mga sarili.
Ipinahayag ni Padilla na napasakit na may mga batang na-brainwash ang Maute group para sumapi sa kanila.
MOST READ
LATEST STORIES