Ayon kay Olangapo City Councilor Jong Cortez, batay sa impormasyon na binigay sa kanya FBI Attaché sa Manila, nahuli si Filipino-American Jonathan Dewayne Ciocon Viane sa Iowa USA matapos na bigo siyang mahuli sa Alaska.
Ang biktima na si Mojica ay residente ng Olongapo City.
Sa ngayon ani Cortez, hawak na ng US Marshals si Viane ganun pa man hindi pa mabatid kung saan ito pansamantalang nakakulong.
Sinabi pa ni Cortez na susulat si Olangapo City Mayor Rolen Paulino kay DOJ Sec. Leila De Lima para umapila ang Pilipinas sa U.S. na ma-extradite si Viane pabalik ng bansa para kaharapin nito ang mga kasong sinampa laban kanya sa panggagahasa at pamamaslang kay Aika Mojica.
Humihingi rin si Cortez sa FBI ng mugshot ni Viane para matiyak na ang suspek nga talaga ang naaresto ng US Police na nasa pangangalaga na ngayon ng US Marshals.
Una ng sumulat si Mayor Paulino sa DOJ Manila para magpalabas ng provisionary arrest warrant laban kay Viane, nagpadala naman ng liham si DOJ Sec. Leila De Lima sa Justice Department ng America para sa pagkakaaresto ng suspek.
Matatandaan na pinaslang si Mojica noong July 25 sa pamamagitan ng pagbaril sa kanyang ulo sa San Felipe, Zambales, sumunod na araw lumipad sa Alaska si Viane sakay ng EVA Air Flight.
Una ng naaresto ang isa pang suspek na si Nino dela Cruz, residente ng Subic sa probinsya ng Zambales sa pinagtataguan nito sa Pasay City, sa ngayon pansamantala ng nakakulong sa Provincial Jail ng Iba Zambales si Dela Cruz.