NBA MVP na si Stephen Curry magpapakitang gilas sa harap ng mga Pinoy baskeball fans

Contributed photo
Contributed photo

Nasa bansa ngayon ang kasalukuyang NBA Most Valuable Player (MVP) na si Stephen Curry ng Golden State Warriors para sa 1-day event ng isang kilalang sports outfit.

Sakay kanina ng isang private chartered jet mula sa Tokyo Japan, makikisalamuha sa mga Pinoy basketball fans ang 27-year-old na si Curry bilang bahagi ng kanyang Asian tour.

Bago ang kanyang arrival sa Ninoy Aquino International Airport ay nag-lagay pa si Curry ng mensahe sa kanyang Twitter account “@StephenCurry30: What’s going on Manila??????????? The #UARoadshow is finally here. Can’t wait to see you guys and have some fun today”.

Game din siyang sumagot sa mga tanong ng media na kanyang nakausap lalo’t tinanong ang kanyang pinag-daanan bago nasungkit ng kanyang team ang championship sa NBA na halos ay apatnapung taon din nilang hinintay.

Tawag pansin din sa mga fans ang suot niyang T-shirt na may tatak na “Thrilla in Manila” na isa sa pinaka-malaking boxing event na sa mundo na ginanap sa bansa noong October 1 1975 kung saan ay tinalo ni Muhammad Ali si Joe Frazer.

Mamayang gabi ay magpapakita ng kanyang gilas sa paglalaro ng basketball si Curry sa isang event na gaganapin sa Mall of Asia Arena.

Read more...