Kasong rape laban sa singer na si Noven Belleza, iniatras

Binawi na ng 19-anyos na dalagita ang kasong rape na inihain nito laban kay Tawag ng Tanghalan Grand Champion Noven belleza.

Matatandaang noong July 15, nadakip si Belleza sa pamamagitan ng “citizen arrest” dahil sa alegasyong pang-aabuso nito sa dalagita sa isang condominium Brgy. Lahug sa Cebu.

Sa isang pahinang “affidavit of desistance” na ipinasa ng nagrereklamo kay Judge James Stewart Himalaluan, sinabi nito na binabawi niya na ang kasong rape dahil sa nagiging epekto nito sa kanyang pamilya.

Anya, nais din niyang magkaroon ng “peace of mind” at matatamo ito sa pamamagitan ng kanyang pagwiwithdraw sa kaso.

Hindi pa naman nagbibigay ng pahayag ang abogado ni Noven dhail hindi pa naglalabas ng ruling ang korte ukol sa “affidavit of desistance” ng complainant.

Samantala, muli namang napanood si Belleza sa episode ng It’s Showtime kahapon, Biyernes, September 1.

Read more...