Si Hero, na kapatid ni Mayor Herbert Bautista, ay ang kauna-unahang opisyal ng gobyerno na nag-positibo sa drug test at umamin sa konseho na siya ay gumagamit ng iligal na droga.
Sa katunayan, mula Hunyo ng taong kasalukuyan ay part-time nang nagtatrabaho si Bautista, at nakadalo na rin sa siyam sa 12 sesyon mula noon.
Isang taong nag-leave without pay si Bautista para sa kaniyang drug rehabilitation
Gayunman, nilinaw ni Vice Mayor Joy Belmonte na hindi si Bautista ang opisyal na mag-aanunsyo ng pormal niyang pagbabalik sa trabaho kundi ang personnel department ng munisipyo.
Magbibigay pa kasi ani Belmonte ang nasabing kagawaran ng certification na “fit to work” na si Bautista, at ibabase nila ito sa mga isusumite pang requirements ng konsehal base sa kanilang ordinansa.
Kabilang sa mga kailangang isumite ni Hero ay ang katunayan na natapos niya ang kaniyang rehabilitasyon at na nag-negatibo na siya sa iligal na droga.