Sa isang talumpati sa selebrasyon ng ika-11 anibersaryo ng Eastern Mindanao Command sa Davao City, inalala ng pangulo ang kalunos-lunos sa sinapit ng isang pamilya sa San Jose Del Monte, Bulacan.
Anya, wala man lang siyang narinig na pagkundena mula sa mga pari at human rights groups tungkol sa massacre na ikinasawi ng lima kabilang ang isang taong gulang na bata.
Mariin ang pagkundena ng Simbahan at human rights groups sa giyera ng pamahalaan kontra droga na lalong umigting ng mapatay ang 17-anyos na si Kian Delos Santos sa drug operation sa Caloocan City.
Sinabi rin ng pangulo na nalalagay sa alanganin ang mga buhay ng tropa ng mga sundalo at pulis para lang mapanatili ang kaayusan at seguridad ng bansa.