Bayabao Bridge sa Marawi, nabawi na mula sa Maute Group; 3 sundalo patay

Nabawi na ng militar ang Bayabao Bridge na nasa Banggolo sa Marawi City.

Ang Bayabao Bridge ang isa sa mga naging encounter site sa unang dalawang linggo na giyera sa pagitan ng teroristang Maute Group at militar.

Ayon kay Western Mindanao Commander Lt. General Carlito Galvez, umaga ng Biyernes lamang nabawi ng mga tauhan ng Philippine Marines ang Bayabao Bridge mula sa kamay ng mga terorista.

Ani pa Galvez, bagama’t nabawi na ng militar ang Bayabao Bridge, tatlong sundalo naman ang nagbuwis ng buhay, habang 52 iba pa ang nasugatan.

Dahil sa pagkakabawi ng militar sa Bayabao Bridge, sinabi ni Galvez na indikasyon ito na malapit ng matapos ang giyera sa Marawi.

Matatandaang kamakailan lamang, nabawi na rin ng militar ang Baloi Bridge sa Mapandi, na una nang naging vantage point ng mga kalaban.

Read more...