Mga inarestong miyembro ng Kadamay sa Pasig, sinampahan na ng reklamo

Kuha ni Jan Escosio

Isinailalim na sa inquest proceedings ang 39 katao na inaresto kaugnay sa dispersal sa barikada ng grupong Kadamay sa Pasig City.

Ayon kay Pasig City Police Chief Sr. Supt. Orlando Yebra Jr., sila mismo ang nagreklamo ng direct assault, resistance and disobedience to an agent of person in authority at physical injuries sa kanilang mga inaresto.

Nabatid na kasama sa mga kinasuhan ay walong menor de edad.

Sinabi pa ni Yebra na anim na bumbero at apat na pulis ang nasaktan sa insidente.

Magugunita na nagkaroon ng magulong wakas ang dispersal sa barikada ng mga residente ng Eastbank sa Brgy. Sta. Lucia na ayaw lisanin ang kanilang lugar na idineklarang danger zone.

 

 

 

 

Read more...