Tugboat, lumubog sa Mariveles, Bataan

Lumubog sa baybaying sakop ng Mariveles, Bataan ang isang tugboat na ginagamit na panghatak ng mga barko.

Ayon kay Chief Petty Officer Rolando Rolloda, Chief Master at Arms ng Bataan Coast Guard, 10:30 ng umaga ng Biyernes nang tumaob ang M/Tug Seafront na umaayuda sa mga barko na pumapasok sa Seafront Shipyard and Port Terminal sa Brgy. Lucanin sa Mariveles.

Sa kabila ng insidente ay wala namang nasaktan subalit ito ay nagdulot ng oil spill.

Sa paunang imbestigasyon, sinabi ni Rolloda na nangyari ang paglubog may sampung metro ang layo mula sa Pier.

Hindi agad natanggal ang tali na nagkakabit sa tugboat at sa papaalis na dayuhang barko na hinahatak nito, kaya nang umabante na ang barko ay nakaladkad nito ang tugboat na naging dahilan ng pagtaob nito.

Tumapon sa dagat ang karga ng tugboat na automotive diesel na tinayayang aabot sa 40 litro ng langis.

Ginagamitan na ng Coast Guard ng chemical dispersal ang tumapong langis para agad na matunaw.

Nahatak naman na ang tugboat sa Pier.

Read more...