WATCH: Kalbaryo sa traffic, matagal pang mararanasan ayon sa MMDA

Aminado ang pamunuan ng Metropolitan Manila Development Authority na mahirap resolbahin ang trapiko dahil kulang sa infrastructure ang bansa.

Inahintulad dito ni Lim ang mga karatig bansa sa rehiyon na mayroon ng subway, mas maraming overpass at mas marami pang tren na tumatakbo.

Ayon kay Lim, matagal-tagal pa ang kalbaryo na mararanasan ng publiko bagaman ginagawan na nila ito ng aksyon sa ngayon, ilang dekada na raw kasing napabayaan ang sektor ng infrastructure.

Nabanggit din ni Lim na overcrowded na ang Metro Manila.

Base raw kasi sa tala ay nasa 10 million na ang registered vehicles sa buong bansa at 35 percent dyan ay nasa sa Metro Manila.

Narito ang report ni Mark Makalalad:

Read more...