Sa isang statement, sinabi ni Presidential Spokesperson Ernesto Abella na pinag-aaralang mabuti ng punong ehekutibo kung papaano makukuha ang ill-gotten wealth mula mga Marcos, na para sa interes ng sambayanang Pilipino.
Ani Abella, kapag naging malinaw na ang lahat ay isasapubliko ng Palasyo ang magiging hakbang ng pangulo at upang matamo na ang inaasam na hustisya, lalo na ng mga biktima ng diktaduryang Marcos.
Nauna nang kinumpirma ni Duterte na may partidong nakikipag-usap sa kanya ukol sa pagsasauli raw ng gold bars at ilang malalaking deposito na nakuha ng pamilya Marcos noong sila’y nasa kapangyarihan pa.