U.S. Embassy sa Maynila, sarado sa Lunes, Sept. 4

Sarado ang tanggapan ng United States Embassy sa Maynila sa darating na Lunes, September 4, 2017.

Sa isang advisory, ang Embassy ng U.S. sa Pilipinas at affiliated offices ay walang pasok sa Lunes bilang paggunita sa Labor Day na isang American holiday.

Dahil dito, hindi muna tatanggap ng processing visa at iba pang transaksyon ang embahada sa nasabing araw.

Sa Estados Unidos, ipinagdiriwang ang Labor Day tuwing unang Lunes ng buwan ng Setyembre kada taon.

Magbabalik naman sa normal na operasyon ar serbisyo ang naturang embahada at mga affiliated office sa Martes, September 5.

Read more...