Tagapagsalita ng AFP, na-promote

Promoted ang tagapagsalita ng Armed Forces of the Philippines (AFP) na si Brig. Gen. Restituto Padilla Jr.

Si Padilla ay itinalaga bilang bagong deputy chief of staff for plans and programs o J5.

Dahil dito, siya na ang mamumuno sa pagbuo at paghahanda ng strategic plans and programs ng AFP.

Ang nasabing opisina rin ang nangangasiwa sa international military affairs.

Dahil sa bagong pwesto, iiwan na ni Padilla ang kaniyang posisyon bilang assistant deputy chief of staff for civil-military operations o AJ7.

Gayunman, mananatili pa rin siyang tagapagsalita ng AFP.

Read more...