LOOK: Jose Marie Chan memes, viral sa social media sa pagpasok ng ‘ber’ months

Ngayong unang araw ng tinaguriang “Ber Months”, trending sa social media ang beteranong mang-aawit na si Jose Marie Chan.

Ito’y dahil sa kanyang “timeless” Christmas songs, lalo na ang kantang “Christmas in our Hearts”.

Sa isang viral photo, makikita ang larawan ng singer na may caption na “Kontrolado ko lahat ng speakers sa malls.”

Sa Philippine Trends sa Twitter, pumangalawa si Jose Mari Chan sa may pinakamaraming tweets hinggil sa kanya.

Ayon sa ilang Twitter users, ang Christmas ay “Jose Mari Chan’s season!”

Biro naman ng isang netizen, “babasagin ulit ni Jose Marie Chan ang mga tenga natin!”

Samantalang, may humirit din na “Ginising ako si Jose Marie Chan. Akala ko, Pasko na!”

Taong 1990, inilabas ni Jose Mari Chan ang awiting “Christmas in our Hearts” at mula noon ay nagmistulang Christmas jingle ito ng mga Pilipino.

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...