WATCH: Libu-libong Muslim, nagtipun-tipon para sa morning prayer, ngayong Eid’l Adha

Kuha ni Erwin Aguilon

Maagang nagtipun-tipon sa Rizal Park, Maynila ang mga Muslim mula sa iba’t-ibang bahagi ng Metro Manila para sa pagdiriwang ng Eid’l Adha.

Ayon kay Ustadz Mohammad Nur Sawato na siyang nagbigay ng kutba o mensahe mahalaga para sa kanila ang pagdiriwang ngayong araw.

Ginugunita anila ito upang makita ang pagsasama-sama at pagkakaisa ng mga Muslim.

Maliban sa Rizal Park, marami rin ang nagtipon-tipon sa Quezon City Memorial Circle.

Narito ang ulat ni Erwin Aguilon:

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...