Rambol dahil sa basketbol

Jail via Jaymee gamil
Larawan mula sa Inquirer.net

Nauwi sa rambol ang basketball game sa pagitan ng dalawang gang sa Quezon City Jail Huwebes ng gabi.

Sa panayam ng Radyo Inquirer, sinabi ni Quezon City Jail Warden Supt. Randel Lazota, natalo ang Batang City Jail laban sa Sigue-Sigue Commando na siyang pinag-ugatan ng riot.

“May liga kasi ng basketball, nagreklamo ang natalong grupo nagkadayaan daw. Tapos dumagdag pa ‘yung sobrang init ng panahon, mainit talaga ulo ng mga preso, nagkabatuhan na, kung ano ang madampot, ibinabato” sinabi ni Lazota.

Agad na rumesponde ang mga tauhan ng SWAT team ng Quezon City Police District nang sumiklab ang gulo, at naawat ang mga preso nang magpaputok ng warning shots ang SWAT.

Samantala, Biyernes ng umaga, pinagharap na ni Lozata ang dalawang grupo ara pagkasunduin.

Ayon kay Quezon City Jail Senior Insp. Noel Corpuz, tumatayong tagapagsalita ng piitan, nagkaroon ng kasunduan sa pagitan ng Batang City Jail at Sigue-Sigue Commando at nangakong hindi na sila muling papasok sa kaguluhan.

Humingi rin ng paumahin ang dalawang grupo sa pamunuan ng Quezon City Jail.

Sa kabila ng pagkakasundo ng dalawnag grupo, itutuloy pa rin ng Bureau of Jail Management and Penology (BJMP) ang kanilang imbestigasyon lalo dahil mayroong labing-apat na nasugatan sa riot.

Nakakuha rin ng mga improvise weapon ang na ginamit sa rambulan.

Isa sa mga preso ang dinala pa sa Ospital matapos masaksak sa kamay ng bakal / Jong Manlapaz

Read more...