Grace Poe, payag sa DNA testing

Poe via nestor corrales
Kuya ni Nestor Corrales ng Inquirer Visayas

Ikinokonsidera na ni Senator Grace Poe na magpasailalim sa DNA testing para matukoy kung sino ang kaniyang tunay na magulang.

Sa report ng Inquirer Visayas, personal na binisita ni Poe, Biyernes ng umaga ang Jaro Cathedral sa Iloilo kung saan sinasabing siya ay iniwan noong siya ay sanggol pa lamang.

Ayon kay Poe, nakapagtanong-tanong din siya sa Iloilo kaugnay sa isang Edgardo Militar na sinasabing biological father niya umano.

Si Poe ay inalok na ng mga anak ni militar na magpasailalim sila sa DNA testing.

Habang nasa Iloilo, nakipagkita rin si Poe kay Iloilo MayorJed Patrick Mabilog at sa 81-anyos na si Sofia Mijares na dating kasambahay./Dona Dominguez-Cargullo

Read more...