Trillanes: Kay Duterte nga hindi ako natakot, kay Gordon pa kaya!

Kuha ni Rose Cabrales

Hindi natatakot si Senador Antonio Trillanes IV sa nakaambang ethics complaint na isasampa laban sa kanya ng nakaalitang si Senador Richard Gordon.

Katwiran ni Trillanes, kung kay Pangulong Rodrido Duterte ay hindi raw siya natatakot, lalong hindi siya papatinag kay Gordon.

Minaliit pa ni Trillanes ang banta ni Gordon na ethics complaint na aniya’y sayang lamang sa oras.

Kumpiyansa ang senador na hindi makakakuha ng sapat na suporta ang ethics complaint, at swerte na raw kung maka-tatlo o apat itong pirma.

Muli namang sinabi ni Trillanes na maraming senador na dismayado kung papaano hinahawakan ni Gordon, bilang chairman ng Senate Blue Ribbon Committee, ang kaso ng P6.4 billion shabu shipment na nakalusot sa Bureau of Customs.

Kahapon sa hearing ng lupon, nagtalo ng husto ang dalawang senador matapos akusahan ni Trillanes ang komite ni Gordon bilang “committee de abswelto.”

 

 

 

 

 

 

 

 

 

Read more...