Ayon sa United States Geological Survey o USGS, ang pagyanig ay naitala 46 miles o 75 kilometers ng Padang, Indonesia.
Sa kabila naman ng lindol, sinabi ng meteorological agency ng Indonesia na walang banta ng tsunami.
Sa ngayon, wala pang report kung may nasawi o nasaktan dahil sa lindol.
Inaalam na rin kung may mga apektado o nasirang ari-arian.
Ayon sa mga residente, naramdaman nila ang malakas na pagyanig sa Sumatra.
MOST READ
LATEST STORIES