Mga sasakyang binili ng Ilocos Norte gamit ang tobacco tax, overpriced ng halos P21M

Inquirer.net Photo | Vince Nonato

Kinumpirma sa pagdinig ng House Committee on Good Government and Public Accountability na overpriced mahigit P21 milyon ang mga biniling sasakyan ng lalawigan ng Ilocos Norte gamit ang tobacco excise tax ng lalawigan.

Sa pagharap ng presidente ng Granstar Motors and Industrial Corporation na si Fabian Go, sinabi nito na P270,000 lamang ang benta nila sa bawat isang sasakyan.

Pero sa nakuhang dokumento ng House Majority Leader Rodolfo Fariñas lumalabas na P465,000 ang bili bawat isa ng Ilocos Norte.

Nangangahulugan daw ito na overpriced ang mga sasakyan ng P195,000 kada isa.

Sinabi ni Go na hindi niya alam na ang pamahalaang panlalawigan ng Ilocos Norte ang bumili ng mga sasakyan dahil ang kanyang ka-transaksyon ay isang Mark Chua.

Inamin din nito na kinausap siya ni Chua at Gov. Imee Marcos kaugnay sa imbestigasyon ng Kamara.

Si Go ay tumestigo matapos bigyan ng legislatove immunity ng liderato ng Kamara.

Read more...