Full term sa pwesto, iginiit ng Ombudsman

Iginiit ni Ombudsman Conchita Carpio Morales na may karapatan siyang manilbihan sa loob ng isang buong termino.

Ito ay matapos kwestiyunin ni Pangulong Duterte ang haba ng pamumuno ni Morales na anya’y dapat pinuno lang nito ang natitirang taon na hindi napagsilbihan ng sinundan nitong si Ombudsman Merceditas Gutierrez.

Si Gutierrez ay nanilbihan ng anim na taon bilang Ombudsman at nagbitiw sa pwesto noong March 22, 2011 na agad na pinalitan ni Morales matapos italaga ni dating Pangulong Noynoy Aquino noong Hulyo ng kaparehong taon.

Ngunit ayon kay Morales, sa ilalim ng Ombudsman Act of 1989, siya ay may karapatang manilbihan ng isang full term at sinusunod lang niya anya ang batas.

Sa ilalim ng naturang batas, kapag naiwan ng isang incumbent ombudsman ang posisyon dahil sa kanyang pagpanaw, permanent disability, resignation o sapiliting pagpapaalis sa pwesto ay agad na hahalili ang deputy ombudsman bilang acting ombudsman hanggang sa maitalaga ang bagong ombudsman na dapat manilbihan sa loob ng isang buong termino.

Read more...