Lopez Holdings Corp., iginiit na wala silang utang sa DBP

Matapos ang mga patutsada ni Pangulong Duterte, iginiit ng Lopez Holdings Corporation na wala silang utang sa Development Bank of the Philippines o kahit saan pang tanggapan ng pamahalaan.

Sa isang pahayag, sinabi ng Lopez Holdings Corp na lahat ng “debt papers” nito kabilang ang mga naibenta ng DBP sa pamamagitan ng isang special purpose vehicle (SVP) ay nabayaran na ng kumpanya.

Noong Miyerkules, binanatan ng Pangulo ang Benpres, dating pangalan ng Lopez Holdings Corp. at ang anim na iba pang kumpanya dahil sa paggamit umano ng pera ng mga tao habang ang mga kumpanya lang na ito ang nakikinabang sa kita.

Ang Lopez Holdings Corp. ay ang nagmamay-ari ng major shares ng tv network na ABS-CBN at may shares din sa ilan pang sektor kabilang ang power, property at telecommunication sectors.

Read more...