Ilang kalsada sa San Juan, isasara bukas ayon sa MMDA

Inabisuhan na ng Metropolitan Manila Development Authority (MMDA) ang mga motoristang dumadaan sa San Juan City na gumamit muna ng alternatibong ruta bukas.

Isasara kasi ang karamihan sa mga pangunahing kalsada sa San Juan bukas, araw ng Sabado, September 2, dahil sa prusisyon ng Itim na Nazareno.

Ayon sa MMDA, isasara mula alas-6:00 ng umaga hanggang alas-8:00 ng gabi ang Pinaglabanan street, N. Domingo, Aurora, Blumentritt, F. Manalo Extension, P. Guevarra at Abad Santos.

Magasagawa naman ang lokal na pamahalaan ng traffic rerouting para maalalayan ang mga maaabalang motorista bukas.

Samantala, magpapatupad rin ng liquor ban sa buong San Juan City dahil sa nasabing prusisyon.

Ito kasi ang kauna-unahang pagkakataon na tatanggapin o dadalhin sa San Juan ang imahen ng Nazareno de Quiapo.

Read more...