Transparency sa kaso ni Kian delos Santos, apela ng IBP

Humiling ang Integrated Bar of the Philippines (IBP) na maging transparent ang Philippine National Police (PNP) sa mga ikinasang one-time big-time operation noong Agosto na kinabibilangan ng pagkamatay ni Kian delos Santos.

Sa statement na inilabas ng IBP, pormal silang humiling sa PNP ng kopya ng pre-operation at spot report ng mga ikinasang one-time big-time operations mula August 13 hanggang August 20 kung saan kasagsasagan ang dami ng bilang ng mga napatay.

Ito ay upang maimbestigahan ang iba pang insidente kung saan ang suspek ay pinatay kahit hindi nanlaban.

Ayon sa IBP, sinisigurado ang right to information ng publiko sa ilalim ng Article 3, Section 7 nh 1987 Philippine Constitution.

Umaasa ang IBP na magiging positibo ang tugon ng PNP sa kanilang hiling.

Read more...