Special Investigation Team, binuo para sa kaso ng pag-aamok sa Pasay City

Kuha ni Cyrille Cupino

Tuluy-tuloy pa rin ang isinasagawang imbestigasyon ng Pasay City Police tungkol sa pag-aamok na nangyari sa isang condominium sa nasabing lungsod.

Ito’y sa kabila ng pagdedeklara nila na “case closed” na ang insidente na ikinasawi ng anim katao, habang ikinasugat naman ng apat na iba pa, dahil napatay na rin ng pulisya ang suspek at nalaman na ang motibo nito sa krimen.

Ayon sa hepe ng Station Investigastion and Detective Management Branch ng Pasay City Police na si Supt. Deanry Francisco, bumuo sila ng Station Special Investigation Team para silipin kung ano ang mga naging pagkukulang ng pulisya at ng security personnel ng gusali sa pangyayaring pananaksak ni Alberto Garan.

Unang iimbestigahan ng SSIT kung bakit anim lamang na security guards ang nakaduty sa gusali, gayong mayroon itong 25 palapag na tinitirhan ng mahigit 4,000 pamilya.

Samantala, kumpyansa ang Pasay City Police na matatapos nila kaagad ang kanilang imbestigasyon.

Read more...