Singapore tutulong na sa pagsasa-ayos ng trapiko sa bansa

Inquirer photo

Susubukang ihalintulad sa traffic system ng Singapore ang daloy ng mga sasakyan dito sa Metro Manila.

Kaninang hapon ay pinirmahan nina Department of Transportation Secretary Arthur Tugade at Singapore Cooperation Enterprise CEO Kong Wy Mun ang isang memorandum of understanding sa pagitan ng Pilipinas at Singapore kung saan tutulong ang Singapore sa pagsasaayos ng daloy ng trapiko sa kalakhang Maynila.

Sa ilalim ng naturang MOU ay ibabahagi ng Singapore ang kanilang best practices tungkol sa traffic and transport management, kabilang na ang kanilang Intelligent Transport System o ITS.

Magtutulungan din ang dalawang bansa sa pag-aaral at pagsasaayos ng mga polisiya sa daloy ng trapiko, pagmamanage ng traffic congestion, pagkakaroon ng mas istriktong traffic surveillance at enforcement, at ang pagkakaroon ng incident management systems.

Sa talumpati na ibinigay ni Tugade, nagpasalamat siya sa pamahalaan ng Singapore dahil sa pagdadala ng kanilang traffic and transport management sa Pilipinas. Aniya, isa itong malaking tulong para sa mabigat na daloy ng trapiko sa lansangan ng Metro Manila.

Samantala, kapansin-pansin na sa ilalim ng ITS, makikitang ang ilang mga proposal ay kasalukuyan nang ginagawa ng sa ngayong ng MMDA at DOTr kagaya ng pagpaghihikayat sa mga pasahero na gumamit ng mass transportation system, at pagkakaroon ng bus lane.

Ngunit nilinaw ni MMDA Chair Danilo Lim, ang paggamit ng teknolohiya ang ikinaiba ng ITS.

Ayon pa kay Lim, nais nila na maging katulad ng daloy ng trapiko sa Singapore ang trffic system sa bansa.

Ngunit aniya, kung hindi ito kakayanin ay hangad niya na umayos ito at maging mas kumportable ang bawat byahe ng mga Pinoy.

Read more...