Dead-on-the-spot ang isang newspaper columnist makaraan siyang pagbabarilin habang nasa loob ng isang convenience store sa bayan ng Pasuquin sa Ilocos Norte.
Nagtamo ng maraming tama ng bala sa kanyang katawan mula sa .9mm pistol ang biktimang si Steve Barreiro, 52-anyos, columnist ng Ilocos Times at residente ng Laoag City.
Sa paunang imbestigasyon ng mga otoridad, kasama ng biktima sa loob ng convenience store pasado alas diyes ng gabi kagabi ang kanyang anak na babae ng bigla na lamang siyang lapitan ng suspect na kinilalang si Oliver doctor.
Kaagad na bumunot ng baril ang suspek at sunud-sunod na pinaputukan ang nabiglang biktima samantalang himala namang hindi tinamaan ng bala ang kanyang katabing anak.
Makaraan ang pamamaril ay mabilis na tumakas ang suspect dala ang baril na ginamit sa krimen.
Ayon sa mga tauhan ng Pasuquin Police Station, dating asawa ng kasalukuyang girlfriend ni Barreiro ang suspect na si Doctor kaya malaki ang kanilang hinala na personal ang motibo ng naturang pamamaril.
Napag-alaman din na hindi masyadong aktibo sa kanyang column sa Ilocos Times ang biktimang si Barreiro.
Isang team na ang binuo ng Ilocos Norte Provincial Police Office para hanapin ang biktima na pinaniniwalaang hindi pa rin nakalalabas ng