Tinatapos na ng National Bureau of Investigation (NBI) ang kanilang report ukol sa imbestigasyon sa pagkakapatay kay Kian delos Santos matapos makipagpulong si NBI Director Dante Gierran kay Justice Secretary Vitaliano Aguirre.
Ayon kay Aguirre, ipinaalala niya sa NBI ang bilin ni Pangulong Rodrigo Duterte na gawing mabilis ang imbestigasyon gayung matagal ng nangyari ang insidente.
Ani Aguirre, inaasahan niyang matatapos ang imbestigasyon ng NBI ngayong linggo.
Matatandaang nakapagsampa na sa DOJ ang mga magulang ni Kian ng mga reklamong murder at paglabag sa anti-torture law laban sa tatlong pulis ng Caloocan City PNP na sangkot sa pagkakamatay ni Kian.
Ang PNP ay nagsasagawa rin ng hiwalay na imbestigasyon sa nasabing pangyayari.
MOST READ
LATEST STORIES