Sorry ni Trillanes hindi tatanggapin ni Gordon

Inquirer photo

Seryoso si Sen. Richard Gordon sa pagsasampa ng ethics complaint laban kay Sen. Antonio Trillanes

Ito ay may kaugnayan sa naging demeanor ni Trillanes sa ginawang pagdinig ng senate blue ribbon committee kaugnay sa P6.4 Billion na halaga ng shabu na nakapuslit sa Bureau of Customs.

Ayon kay Gordon, hindi na maaring palampasin ang naging behavior o galaw ni Trillanes sa pagdinig kanina matapos na tawagin na ‘komite-de-abswelto’ ang Blue Ribbon Committee na kanyang pinamumunuan.

Tumanggi kasi sina Gordon at si Sen Tito Sotto na ipatawag sa susunod na pagdinig sina Vice Mayor Paolo Duterte at Atty. Mans Carpio, asawa ni Davao Mayor Inday Sarah Duterte matapos itong mabanggit ni Taguba.

Sa naging testimonya ni Taguba, iginiit nito na naniniwala siya na sina Vice Mayor Duterte at Carpio ang nasa likod ng Davao group na may kinalaman sa shipment ng higit kalahating toneladang shabu.

Inaasahan ngayong araw o sa Lunes maisusumite ni Gordon ang nabanggit na ethics complaint sa ethics committee na pinamumunuan ni Sen. Tito Sotto.

Sa panayam ng media makaraan ang pagdinig ay sinabini Gordon na kahit na humingi ng sorry si Trillanes sa kanyang inasal ay tuloy pa rin ang kanyang pagsasampa ng reklamo.

Pabiro pang sinabi ni Gordon na dapat ipadala sa North Korea ang mambabatas na dating sundalo dahil sa dami ng kanyang mga nakakabanggang mga kapwa senador.

Read more...