Sa inilabas na earthquake bulletin ng Phivolcs, naganap ang lindol ala 1:31 ng madaling araw at tumama ito sa 27 kilometers north ng santa Cruz.
May lalim lang na 5 kilometers ang lindol at tectonic ang origin.
Dahil sa nasabing lindol, naitala ang sumusunod na intensities:
- Intensity IV – Santa Cruz, Davao Del Sur; Davao City; Hagonoy, Davao Del Sur
- Intensity lll – Sulop, Davao Del Sur
- Intensity II – Digos City, Davao Del Sur
Instrumental Intensity:
- Intensity II- Kidapawan City
Ayon sa Phivolcs, hindi naman inaasahang magdudulot ng pinsala at aftershocks ang lindol.
MOST READ
LATEST STORIES