Bahagi ng Negros Oriental, 11-oras mawawalan ng kuryente

INQUIRER FILE PHOTO/ MARIANNE BERMUDEZ

Labingisang oras na makararanas ng power interruption ang bahagi ng Negros Oriental sa Sabado, September 2.

Sa abiso ng National Grid Corporation of the Philippines, may isasagawa silang maintenance activities na magiging dahilan ng interruption.

Magsisimula ang power service interruption alas 7:00 ng umaga sa Sabado hanggang alas 6:00 ng gabo.

Maapektuhan ng brownout ang mga sakop ng NORECO I partikular ang Bais, Bindoy at Guihulngan substations at ang Tanjay substation sa NORECO II.

Isasagawa ang maintenance work ng NGCP sa 69 kilovolt na Amlan-Guihulngan line.

 

 

 

 

 

 

Read more...