Patay ang dalawa katao habang isa ang lubhang nasugatan makaraang salpukin ng bus ang isang tricycle sa Camarines Sur.
Ayon sa mga otoridad, tatlo ang sakay ng tricycle nang maganap ang aksidente.
Agad na binawian ng buhay ang dalawa sa mga pasahero ng nasabing tricycle habang ang isa naman ay lubhang nasugatan.
Naganap ang insidente sa Andaya Highway, Barangay GRS bayan ng Ragay, Camarines Sur bandang 9:30 ng gabi.
Ayon naman sa Ragay Police, ang nasabing bus na mula sa Manila at patungo ng Bicol, ay pag-aari ng CUL Transport Bus.
Anila, tumatawid sa intersection ang tricycle nang salpukin ng naturang bus.
Naisugod na ang sugatang biktima na nabatid na nasa kritikal na kondisyon sa isang ospital sa Ragay.
MOST READ
LATEST STORIES